Pumunta sa nilalaman

Paggamit ng Personal na mga Impormasyon—Spain

Paggamit ng Personal na mga Impormasyon—Spain

Kapag naging mamamahayag ang isa, tinatanggap niya na ang pandaigdig na relihiyosong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova—kasama na ang lokal na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova, lokal na tanggapang pansangay, at iba pang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova—ay gumagamit ng personal na mga impormasyon sa legal na paraan at kaayon ng lehitimong mga interes ng relihiyong ito. Kusang-loob na ibinigay ng mga mamamahayag sa kanilang kongregasyon ang personal na mga impormasyon nila, gaya ng mababasa sa aklat na Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, para makabahagi sila sa relihiyosong mga gawain na may kaugnayan sa kanilang pagsamba at para makatanggap ng espirituwal na tulong.—1 Pedro 5:2.

Puwedeng magbigay ang mga mamamahayag ng karagdagang personal na impormasyon sa mga Saksi ni Jehova kung gusto nilang makibahagi sa iba pang relihiyosong gawain nito. Kasama sa personal na impormasyon ang pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, petsa ng bautismo, contact information, o iba pang impormasyon na may kaugnayan sa espirituwal na katayuan ng isa, gawain niya sa ministeryo, o iba pang atas na ginagampanan niya sa organisasyon ng mga Saksi ni Jehova. Kasama rin dito ang mga impormasyong nagpapakita kung ano ang relihiyosong paniniwala ng isang mamamahayag at posibleng iba pang sensitibong personal na impormasyon. Kasama sa paggamit ng personal na mga impormasyon ang pagkuha, pagrekord, pag-organisa, pag-structure, at pagtatago ng impormasyong iyon, at iba pang katulad na hakbang.

Ang Data Protection Law sa bansang ito ay:

Organic Law on the Protection of Personal Data and General Data Protection Regulation (EU) 2016/679.

Sa ilalim ng Data Protection Law na ito, sumasang-ayon ang mga mamamahayag na gamitin ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang personal na mga impormasyon para sa relihiyosong layunin, gaya ng sumusunod:

  • pakikibahagi sa pulong ng lokal na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova at sa gawaing pagboboluntaryo o sa isang proyekto;

  • pagpayag na makibahagi sa isang pulong, asamblea, o kombensiyon na inirerekord at ibinobrodkast para maturuan sa espirituwal ang mga Saksi ni Jehova sa buong mundo;

  • pagganap sa isang bahagi o iba pang atas sa kongregasyon, na nangangahulugang ipo-post sa information board ng Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova ang pangalan ng mamamahayag at ang atas nito;

  • pag-iingat ng Congregation’s Publisher Record card;

  • pagpapastol at pangangalaga ng mga elder na mga Saksi ni Jehova (Gawa 20:28; Santiago 5:14, 15);

  • pagrerekord ng contact information na magagamit sa panahon ng emergency.

Ang personal na mga impormasyon ay itatago hangga’t kailangan para sa nabanggit na mga layunin at iba pang lehitimong dahilan. Kung piliin ng mamamahayag na huwag pirmahan ang form na Notice and Consent for Use of Personal Data, hindi makikita ng mga Saksi ni Jehova kung kuwalipikado ang isang mamamahayag na gampanan ang ilang atas sa kongregasyon o na makibahagi sa ilang relihiyosong gawain.

Kung angkop at kailangan, puwedeng ipadala ang personal na mga impormasyon sa ibang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova. Nauunawaan ng mga mamamahayag na ang ilang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova ay nasa mga bansa kung saan ang seguridad sa paghawak ng personal na impormasyon ay hindi katulad sa bansang pinanggalingan ng impormasyon. Pero sinuman ang tumanggap ng kanilang personal na impormasyon, kasama na ang iba pang organisasyon na nasa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa United States, nauunawaan ng mga mamamahayag na gagamitin lang ang mga impormasyong ito kaayon ng Global Data Protection Policy ng mga Saksi ni Jehova.

Ang mga mamamahayag ay may karapatan na ma-access ang kanilang personal na impormasyon na hawak ng mga Saksi ni Jehova, mag-request na burahin o itigil ang pagpoproseso nito, at itama ang anumang mali rito. Anumang oras, puwedeng bawiin ng mga mamamahayag ang pagpapahintulot nila sa ilang espesipikong paggamit ng kanilang personal na impormasyon sa hinaharap. Kung bawiin ng isang mamamahayag ang pahintulot niya, puwede pa ring magamit ng mga Saksi ni Jehova ang ilan sa mga impormasyong ito kahit walang pahintulot, batay sa lehitimong layunin ng relihiyong ito na i-maintain at pangasiwaan ang impormasyon ng mga miyembro ng mga Saksi ni Jehova sa buong mundo o batay sa iba pang legal na basehan na nakasaad sa Data Protection Law. Alam ng mga mamamahayag na may karapatan silang maghain ng reklamo sa awtoridad na nagpapatupad ng data protection law sa bansa kung saan sila nakatira.

Gumagamit ang mga Saksi ni Jehova ng iba’t ibang procedural at teknikal na pag-iingat, na kaayon ng Data Protection Law, para maprotektahan ang personal na mga impormasyon. Nauunawaan ng mga mamamahayag na ang kanilang personal na mga impormasyon ay ia-access lang ng ilang awtorisadong indibiduwal para maisakatuparan ang nabanggit na mga layunin.

Anumang katanungan sa data protection officer ay puwedeng ipadala sa e-mail address na:

DataProtectionOfficer.ES@jw.org.

Alam ng mga mamamahayag na ang pagkakakilanlan at contact information ng data controller sa bansang tinitirhan nila, at sa ilang kaso, pati na ang pagkakakilanlan ng mga kinatawan nito at data protection officer, ay makikita sa Data Protection Contacts page sa jw.org.

Sa pana-panahon, posibleng magbago ang paraan ng paghawak namin ng impormasyon dahil sa mga pagbabago sa aming relihiyosong mga gawain, pagbabago sa batas, o pagsulong ng teknolohiya. Sakali mang may kailangang baguhin sa webpage na Paggamit ng Personal na mga Impormasyon, ipo-post namin ang mga pagbabago sa webpage na ito para updated ang mga mamamahayag kung anong impormasyon ang kinukuha namin at kung paano namin ito ginagamit. Pakisuyong laging tingnan kung may pagbabago sa webpage na ito.