Pumunta sa nilalaman

Mabilis na Pagdami ng mga Saksi ni Jehova

Mabilis na Pagdami ng mga Saksi ni Jehova

Noong 1987, si Lyman Swingle, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, ay nagpahayag sa 63,580 katao na nagtipon sa Plaza Monumental sa Valencia, Venezuela. Marami ang magdamag na nagbiyahe sakay ng bus para dumalo. Sinabi ni Brother Swingle sa malaking grupong iyon: “Hindi na kayo isang maliit na sangay. Ngayon ay isa na kayong sangay na katamtaman ang laki. At mukhang di-magtatagal, mapapabilang na kayo sa ‘100,000-publishers club’!”

Noong 1987, ang Venezuela ay may mahigit na 38,000 mamamahayag—mga Saksi ni Jehova na aktibong nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Nang panahong iyon, walong bansa lang ang may mahigit na 100,000 mamamahayag.

Kahanga-hanga ang pagdami ng mga Saksi ni Jehova sa buong mundo. Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig I, ilang libo lang ang naghahayag ng Kaharian ni Jehova. Pero nagbago iyon. Sinabi ng 1943 Yearbook of Jehovah’s Witnesses: “Ang pinagsamang report sa taóng 1942, bagaman hindi pa kumpleto dahil sa kakulangan ng komunikasyon, ay pinagpala . . . , dahil ipinakikita nito na sa buong mundo, mayroon nang mahigit 106,000 mamamahayag na nag-uulat na nakikibahagi sa gawain [ng pangangaral ng mabuting balita].” Kahit sa gitna ng kaguluhan noong Digmaang Pandaigdig II, marami ang tumugon sa katotohanang nasa Bibliya. Noong 1950, United States lang ang lumampas sa 100,000 mamamahayag.

Noong 1974, Nigeria naman ang sumunod na nakaabot sa 100,000 mamamahayag.

Nang sumunod na taon, ang bilang ng mamamahayag sa Brazil at sa Germany ay parehong lumampas nang 100,000. Ang gayong pagsulong sa apat na kontinente ay nagpapakita na kaakit-akit sa lahat ang katotohanang nasa Bibliya.

Sa buong mundo, patuloy na dumarami ang bilang ng mga tumatanggap sa mabuting balita. Kaayon ito ng inihula ng Bibliya: “Ang munti ay magiging isang libo, at ang maliit ay magiging makapangyarihang bansa. Ako mismo, si Jehova, ang magpapabilis nito sa sarili nitong panahon.”​—Isaias 60:22.

Ayon sa ulat ng 2014 taon ng paglilingkod, mayroon nang 24 na bansa na may mahigit 100,000 Saksi. Kasama na rito ang Venezuela, na nakaabot sa bilang na iyan noong 2007. Sa buong mundo, mayroon nang 115,416 na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova at 8,201,545 mamamahayag.

Mga bansang may mahigit 100,000 mamamahayag

Kontinente

Bansa

Mamamahayag

Africa

Angola

108,607

Congo, Democratic Republic of

216,024

Ghana

125,443

Nigeria

362,462

Zambia

178,481

Asia

Japan

215,703

Korea, Republic of

100,641

Pilipinas

196,249

Europe

Britain

138,515

France

127,961

Germany

166,262

Italy

251,650

Poland

123,177

Russia

171,268

Spain

112,493

Ukraine

150,906

North America

Canada

116,312

Mexico

829,523

United States of America

1,243,387

South America

Argentina

150,171

Brazil

794,766

Colombia

166,049

Peru

123,251

Venezuela

140,226