Britain Photo Gallery 1 (Enero Hanggang Agosto 2015)
Ililipat ng mga Saksi ni Jehova sa Britain ang kanilang tanggapang pansangay mula sa Mill Hill, London, tungo sa isang lokasyon na mga 70 kilometro (43 mi) sa silangan, malapit sa lunsod ng Chelmsford, Essex. Mula Enero hanggang Agosto 2015, ang mga manggagawa ay nagtayo ng mga support site bilang paghahanda sa konstruksiyon.
Enero 23, 2015—Branch site
Sa pahintulot ng lokal na mga awtoridad, inaalis ng mga manggagawa ang pinutol na mga puno para maihanda ang lupang pagtatayuan. Tiniyak nilang matapos ang trabaho bago magsimula ang panahon ng pangingitlog ng mga ibon. Ang nagiling na maliliit na piraso ng kahoy ay ilalagay sa mga daanan ng tao, at ang kahoy ay irereserba para magamit sa proyekto.
Enero 30, 2015—Dining support site
Isang elektrisyan ang naglalagay ng socket ng kuryente para sa mga video monitor sa gusali na dating motel. Gagawin itong kusina at silid-kainan. Mapapanood ng mga manggagawa sa mga monitor ang espirituwal na mga programa gaya ng pang-umagang pagsamba at Pag-aaral sa Bantayan ng pamilyang Bethel.
Pebrero 23, 2015—Branch site
Naglalagay ng bakod ang mga manggagawa sa palibot ng malalaking seksiyon ng lugar ng konstruksiyon. Ang lugar ay kabukiran, kaya may ginagawang mga hakbang para hindi gaanong maapektuhan ang maiilap na hayop doon. Halimbawa, sa pinakaibaba ng bakod, nag-iwan ng puwang na 20 sentimetro (8 in.) para hindi maapektuhan ang paggala at panginginain ng mga badger sa gabi.
Pebrero 23, 2015—Branch site
Isang pansamantalang daan ang ginawa para ikonekta ang residential support site sa pangunahing lokasyon ng konstruksiyon.
Marso 5, 2015—Branch site
Tanawin mula sa silangan; makikita ang natapos na pansamantalang daan. Gaya ng makikita sa itaas sa gawing kanan, ang daan ay konektado sa pangunahing lokasyon ng konstruksiyon. Ang mga gusaling makikita sa ibaba sa gawing kaliwa ay ginagawang mga apartment para tirahan ng mga manggagawa sa konstruksiyon. Maglalagay rin ng mga residential unit sa katabing mga bukid.
Abril 20, 2015—Residential support site
Dinalaw ng isang miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova at ng isa pang kinatawan ng punong-tanggapan ang mga manggagawa sa konstruksiyon. Nang linggo ring iyon, isang espesyal na pulong ang ibinrodkast sa lahat ng Kingdom Hall sa Britain at Ireland. Ipinatalastas na noong nagdaang gabi, ibinigay ng Chelmsford City Council ang kanilang pahintulot para simulan ang proyekto.
Mayo 13, 2015—Main support site
Naglalagay ng root-protection system ang mga manggagawa sa pagitan ng dalawang matatandang puno ng ensina (oak). Ang espesyal na tawirang ito ay nagkokonekta sa main support site at sa pangunahing lokasyon ng konstruksiyon at puwedeng daanan ng malalaking sasakyan nang hindi napipinsala ang mga ugat ng puno.
Mayo 21, 2015—Residential support site
Naghuhukay ang mga miyembro ng groundworks team para sa ginagawang pansamantalang mga tirahan. Nasa background ang una sa 50 yunit na titirhan ng mga manggagawa sa konstruksiyon sa panahon ng proyekto.
Hunyo 16, 2015—Residential support site
Isang tubero ang naglalagay ng tubo ng tubig para sa isa sa mga pansamantalang tirahan.
Hunyo 16, 2015—Residential support site
Tanawin mula sa silangan; makikita ang bagong-gawang mga pansamantalang tirahan. Sa gawing ibaba, inihahanda ang mga pundasyon para sa karagdagang mga tirahan. Nasa kaliwa ang ibang mga gusali ng residential support site, kasama ang isang silid-kainan para sa mga manggagawa sa konstruksiyon. Ang sangay ay itatayo sa bandang gitna ng background.
Hunyo 16, 2015—Residential support site
Isang teknisyan ang nagdurugtong ng mga fiber-optic cable sa telecommunications room. Kailangang magkabit na agad ng koneksiyon para sa computer network at sa Internet para mapangasiwaan ang lahat ng trabahong nauugnay sa konstruksiyon, magkaroon ng komunikasyon sa ibang mga sangay, at maorganisa ang mga gawain sa ilalim ng pangangasiwa ng pandaigdig na punong-tanggapan.
Hulyo 6, 2015—Branch site
Sinusukat ng isang kontratista kung saan huhukay ng mga exploratory trench gamit ang isang GPS device. Makakatulong sa mga arkeologo ang gayong paghuhukay para masuri ang site bago magsimula ang konstruksiyon. Bagaman nanirahan ang mga Romano sa kalapit na Chelmsford, walang natagpuang mahalagang labí sa 107 trench na hinukay sa unang bahagi ng pagsusuring ito.
Hulyo 6, 2015—Main support site
Pagputol ng mga moldura ng hamba ng pinto. Ang ilang gusali sa main support site ay inayos at ginawang mga workshop. Dito rin ang magiging lokasyon ng pansamantalang mga opisina at pansuportang mga gawain.
Hulyo 6, 2015—Main support site
Ikinakarga sa dump truck ang lupang panambak sa mga hinukay.
Hulyo 7, 2015—Branch site
Tanawin ng kabukiran ng Britain mula sa timog ng 34-na-ektaryang property. Ang isang kalapit na main road (wala sa larawan) ay kumbinyenteng daanan papunta sa mga daungang-dagat, paliparan, at sa lunsod ng London.
Hulyo 23, 2015—Branch site
Inaalis ng mga kontratista ang nakatayong mga istraktura para sa pagtatayo ng bagong sangay.
Agosto 20, 2015—Main support site
Ibinababa at ipinupuwesto ng 60-toneladang crane ang bahagi ng isang prefabricated flat-pack cabin. Makikita sa foreground ang mga pundasyon na paglalagyan ng iba pang cabin. Ang mga cabin ay gagawing mga opisina para sa proyekto.