Libu-libo ang Natututong Bumasa’t Sumulat
Noong 2011, mahigit 5,700 katao ang natulungan ng mga Saksi ni Jehova na bumasa’t sumulat.
Ghana:
Sa nakalipas na 25 taon, mahigit 9,000 ang natulungang bumasa’t sumulat.
Zambia:
Mula 2002, halos 12,000 ang natutong bumasa’t sumulat. Sinabi ng 82-anyos na si Agnes: “Nang ipatalastas sa kongregasyon na magkakaroon ng klase sa pagbasa’t pagsulat, nagpatala kaagad ako. Sa unang sesyon, natutuhan kong isulat ang pangalan ko!”
Peru:
Isang 55-taóng-gulang na estudyante ang sumulat: “Hindi ko akalaing matututo akong bumasa’t sumulat kasi hindi ako pinag-aral ng mga magulang ko.”
Mozambique:
Mahigit 19,000 ang natutong bumasa sa nakaraang 15 taon. Sinabi ng estudyanteng si Felizarda: “Napakasaya ko kasi mababasa ko na ang Bibliya para sa iba. Hindi ko magawa ’yan dati.”
Solomon Islands:
Isinulat ng aming tanggapang pansangay: “Noon, maraming nakatira sa liblib na nayon ang hindi makapunta sa mga paaralan. At iilang kabataang babae ang pinag-aaral. Kaya mga adulto ang partikular na nakinabang sa mga klase ng pagbasa’t pagsulat. Nagkaroon ng kumpiyansa ang mga nagtapos sa klase.”