Pagdaig sa Pagtatangi
Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na lahat ng lahi ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. (Gawa 10:34, 35) Sa pamamagitan ng pagtuturo ng Bibliya, tinutulungan namin ang mga tao na mapagtagumpayan ang pagtatangi kahit malalim na ang pagkakaugat nito.
Karagdagan pa, hindi namin sinusuportahan ang anumang kilusan na nagtataguyod ng pagkapoot sa ibang lahi. Halimbawa, noong panahon ng Nazi, hindi sinuportahan ng mga Saksi ni Jehova sa Germany at sa iba pang lugar ang kampanya ni Hitler laban sa mga grupong kinapopootan niya. Daan-daan ang nagbuwis ng kanilang buhay dahil sa paninindigang ito.
Hindi rin nakibahagi ang mga Saksi sa lipulan ng lahi sa Rwanda noong 1994. Sa katunayan, ang ilan sa kanila ay nalagay sa peligro o pinatay dahil sa pagkupkop sa mga taong pinaghahahanap para patayin.
Dahil nais naming tulungan ang lahat ng tao, naglalathala at namamahagi kami ng mga literatura sa Bibliya sa humigit-kumulang 600 wika. Bukod diyan, malugod na tinatanggap sa aming mga kongregasyon ang mga tao “mula sa lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika.”—Apocalipsis 7:9.