Pumunta sa nilalaman

Tinuturuan ng mga Saksi ni Jehova ang mga Magulang at Anak Para Protektahan Sila Laban sa Pangmomolestiya

Tinuturuan ng mga Saksi ni Jehova ang mga Magulang at Anak Para Protektahan Sila Laban sa Pangmomolestiya

Pinapayuhan ng Bibliya ang mga magulang na mahalin, patnubayan, at protektahan ang kanilang mga anak, at ituring ang mga ito na regalo mula sa Diyos. (Awit 127:3; Kawikaan 1:8; Efeso 6:1-4) Kailangang protektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak laban sa maraming panganib, at isa na rito ang seksuwal na pang-aabuso.

Ang mga Saksi ni Jehova ay ilang dekada nang naglalathala at namamahagi ng mga impormasyong tumutulong para maging matibay ang ugnayan ng pamilya. May mga materyal din silang inilaan para tumulong sa mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak mula sa pangmomolestiya at turuan ang mga ito na mag-ingat sa seksuwal na mga mang-aabuso. Ang sumusunod ay ilan sa mga materyal na inilathala ng mga Saksi ni Jehova na nagbibigay ng espesipikong patnubay sa mga isyung ito. Pansinin kung gaano karaming kopya at wikang ginamit sa paglalathala ng mga artikulong ito. *

Patuloy na tuturuan ng mga Saksi ni Jehova ang mga magulang at anak para maiwasan nilang mabiktima ng pangmomolestiya.

^ par. 3 Ang petsa ng mga isyu ay sa edisyong Tagalog.