Pinarangalan ang mga Saksi ni Jehova Dahil sa Pag-iingat sa Kapaligiran
Ang palimbagan ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico ay tumanggap ng Clean Enterprise certificate sa loob ng pitong sunud-sunod na taon.
Noong Setyembre 26, 2012, ginawaran ng gobyerno ng Mexico ang mga Saksi ni Jehova ng isang espesyal na sertipiko bilang pagkilala sa kanilang “dedikasyon sa pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran.”
Ang Clean Enterprise program ay tumutulong sa mga industriya na umunlad sa paraang hindi makasisira sa kapaligiran. Ang mga Saksi ni Jehova ay sumasali rito taun-taon, kahit hindi pangkomersiyo ang kanilang organisasyon. Sinabi ng tagapagsalita ng palimbagan sa Mexico: “Para mabigyan ng Clean Enterprise certificate, kailangan naming patunayan na ang aming mga proseso at inilalabas o ibinubuga sa kapaligiran ay nakaaabot sa regulasyon ng lokal na pamahalaan sa pitong pitak: hangin, tubig, basura ng lunsod, mapanganib na mga basura, kaligtasan, elektrikal na enerhiya, at pagsasanay sa pangangalaga sa kapaligiran. Hindi obligado ang mga industriya na sumali sa programang ito. Kusa kaming sumasali.”
Sinisikap ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig na iwasang mapinsala ang napakahalagang kapaligiran ng lupa.