Pumunta sa nilalaman

Mga Bethel Tour

Malugod namin kayong inaanyayahan na mag-tour sa mga tanggapang pansangay namin, na tinatawag ring Bethel. Ang ilan sa mga sangay namin ay may mga self-guided exhibit.

Pagbabalik ng mga Tour: Sa maraming bansa, ibabalik na ang tour sa mga tanggapang pansangay namin sa Hunyo 1, 2023. Kung gusto mong mag-tour sa isang sangay, puwede mo itong kontakin para sa mga detalye. Pakisuyong huwag mag-tour kung nagpositibo ka sa COVID-19, mayroon kang sipon o tulad-trangkasong mga sintomas, o kamakailan, may nakasama kang nagpositibo sa COVID-19.

South Africa

Impormasyon Tungkol sa Tour

Magpa-reserve

Tingnan o Baguhin ang Reservation

Mag-download ng Tour Brochure

Mga Exhibit

Home Visitor Centre: Ipapakita ng ilang video sa tour ang ginagawa sa loob ng Bethel at kung paano sumusuporta ang Bethel sa ating pagsamba.

Printery 2 Visitor Centre: Ipapakita ng mga video ang kahalagahan ng pagsasalin at pag-iimprenta ng mga literatura sa lokal na mga wika. May viewing deck para makita ang mga makina na ginagamit para sa pag-iimprenta. Ipinapakita ng isang Bible display ang kasaysayan ng paggamit ng pangalan ng Diyos sa mga Bibliya na isinalin sa ilang lokal na mga wika.

Printery 3 Visitor Centre: Makikita mula sa isang viewing deck ang buong shipping floor, at makikita sa isang display ang destinasyon ng mga literatura. Ipapakita sa mga video ang pagtatayo ng mga Kingdom Hall, pagpapadala ng mga literatura, at paggawa ng ating mga publikasyon sa audio at video format.

Karagdagang Impormasyon: May mga shuttle bus na masasakyan para mapuntahan ang mga visitor centre. Puwedeng mag-picnic sa Visitor Rest Area.

Adres at Telepono

Kunin ang Direksiyon