Pumunta sa nilalaman

Mga Bethel Tour

Malugod namin kayong inaanyayahan na mag-tour sa mga tanggapang pansangay namin, na tinatawag ring Bethel. Ang ilan sa mga sangay namin ay may mga self-guided exhibit.

Pagbabalik ng mga Tour: Sa maraming bansa, ibabalik na ang tour sa mga tanggapang pansangay namin sa Hunyo 1, 2023. Kung gusto mong mag-tour sa isang sangay, puwede mo itong kontakin para sa mga detalye. Pakisuyong huwag mag-tour kung nagpositibo ka sa COVID-19, mayroon kang sipon o tulad-trangkasong mga sintomas, o kamakailan, may nakasama kang nagpositibo sa COVID-19.

United States of America

 Impormasyon Tungkol sa Tour

Magpa-reserve—Wala Pang 20 Tao

Magpa-reserve—20 Tao o Higit Pa

Tingnan o Baguhin ang Reservation

Mag-download ng Tour Brochure—Warwick

Mag-download ng Tour Brochure—Patterson

Mag-download ng Tour Brochure—Wallkill

 Mga Exhibit

Mga Self-Guided Exhibit sa Warwick

The Bible and the Divine Name. Itinatampok sa exhibit na ito ang di-karaniwang mga Bibliya at kung paano napanatili sa Kasulatan ang pangalan ng Diyos sa kabila ng mga pagsisikap na alisin ito. Kasama rin sa exhibit ang isang gallery na may papalit-palit na koleksiyon, kung saan itinatampok ang iba pang di-karaniwang mga Bibliya at mga artifact na may kaugnayan sa Bibliya.

A People for Jehovah’s Name. Itinatampok sa mga displey ng exhibit na ito ang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova. Sa pamamagitan ng mga artifact, graphics, at kuwento ng mga aktuwal na nakasaksi, ipakikita kung paano patuluyang ginagabayan, tinuturuan, at inoorganisa ni Jehova ang bayan niya para gawin ang kaniyang kalooban.

World Headquarters—Faith in Action. Ipinaliliwanag sa interactive exhibit na ito ang gawain ng mga komite ng Lupong Tagapamahala at kung paano nila tinutulungan ang mga Saksi ni Jehova para masunod ang mga utos sa Kasulatan na regular na magtipon, gumawa ng mga alagad, mag-aral ng Salita ng Diyos, at magpakita ng pag-ibig sa isa’t isa.

Mga Self-Guided Exhibit sa Patterson

First-Century Bible Village. Naiisip ba ninyo kung ano ang buhay noong nandito sa lupa si Jesus? Makikita ninyo at mararanasan sa Bible village na ito ang pang-araw-araw na buhay noong unang siglo. Sa tulong ng exhibit na ito, magiging mas buhay ang mga nababasa ninyo sa Bibliya.

 

First-Century Bible Coins. Makikita sa exhibit na ito ang orihinal na mga barya noong unang siglo na binanggit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Makikita sa mga display ang paliwanag sa bawat barya at kung saang ulat sa Bibliya ginamit ang mga ito.

 

 “All Your Sons Will Be Taught by Jehovah.” Makikita sa exhibit na ito ang kasaysayan ng iba’t ibang paaralan at programa ng pagsasanay ng organisasyon. Alamin kung paano natulungan ng mga paaralang ito ang mga volunteer para maging mas epektibong guro sila at elder sa kongregasyon.

 

“Defending and Legally Establishing the Good News.” Makikita sa exhibit na ito ang nakakapagtibay na mga karanasan ng mga Saksi ni Jehova na hindi ikinompromiso ang pananampalataya nila kahit sa harap ng matitinding pagsalansang. Alamin kung ano na ang nagawa ng organisasyon para legal na maitatag ang gawaing pangangaral sa buong mundo.

Adres at Telepono

Warwick

Kunin ang Direksiyon

Patterson

Kunin ang Direksiyon

Wallkill

Kunin ang Direksiyon