Mayroon Bang mga Babaing Ministro ang mga Saksi ni Jehova?
Oo. Ang lahat ng mga Saksi ni Jehova ay mga mángangarál, o ministro—kabilang na ang milyun-milyong kababaihan. Gaya ng inihula ng Bibliya, “ang mga babaing naghahayag ng mabuting balita ay isang malaking hukbo.”—Awit 68:11.
Tinutularan ng mga babaing Saksi ni Jehova ang halimbawa ng mga babaing binabanggit sa Bibliya. (Kawikaan 31:10-31) Bagaman hindi sila nangunguna sa kongregasyon, lubusan silang nakikibahagi sa pangmadlang ministeryo. Nagtuturo din sila sa kanilang mga anak ng mga simulain ng Bibliya. (Kawikaan 1:8) Sa salita at sa gawa, sinisikap ng mga babaing Saksi na maging mabuting halimbawa.—Tito 2:3-5.