Naniniwala ba ang mga Saksi ni Jehova sa Creationism?
Hindi. Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na nilalang ng Diyos ang lahat ng bagay. Pero hindi kami sumasang-ayon sa creationism. Bakit? Dahil marami sa paniniwala ng mga creationist ay salungat sa turo ng Bibliya. Pansinin ang dalawang halimbawang ito:
Ang haba ng anim na araw ng paglalang. Iginigiit ng ilang creationist na ang anim na araw ng paglalang ay literal na araw na may 24-oras. Pero sa Bibliya, ang salitang “araw” ay maaaring tumukoy sa isang mahabang yugto ng panahon.—Genesis 2:4; Awit 90:4.
Tagal ng pag-iral ng lupa. Itinuturo ng ilang creationist na ang lupa ay ilang libong taon pa lang umiiral. Pero ayon sa Bibliya, ang lupa at uniberso ay umiiral na bago pa ang anim na araw ng paglalang. (Genesis 1:1) Dahil dito, hindi tumututol ang mga Saksi ni Jehova sa maaasahang pagsasaliksik ng siyensiya na maaaring ang lupa ay bilyun-bilyong taon nang umiiral.
Bagaman naniniwala kaming mga Saksi ni Jehova sa paglalang, hindi naman kami kontra-siyensiya. Naniniwala kami na magkatugma ang tunay na siyensiya at ang Bibliya.