Ano ang Pag-aaral sa Bibliya na Iniaalok ng mga Saksi ni Jehova?
Nag-aalok ang mga Saksi ni Jehova ng epektibong paraan para malaman mo ang itinuturo ng Bibliya. Makakatulong ito sa iyo na:
Maging masaya
Maging kaibigan ng Diyos
Matutuhan ang mga pangako ng Bibliya
Sa artikulong ito
Paano ginagawa ang pag-aaral sa Bibliya?
Tutulungan ka ng magtuturo sa iyo na maging pamilyar sa Bibliya habang pinag-aaralan ninyo ang iba’t ibang paksa. Gamit ang pantulong na Masayang Buhay Magpakailanman, unti-unti mong matututuhan ang mensahe ng Bibliya at kung paano ito makakatulong sa iyo. Para malaman mo pa ang tungkol dito, panoorin ang videong ito.
May bayad ba ang pag-aaral?
Wala. Sinusunod ng mga Saksi ni Jehova ang utos ni Jesus sa mga alagad niya noon: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” (Mateo 10:8) Isa pa, walang bayad ang gagamitin para sa pag-aaral, gaya ng kopya ng Bibliya at ng publikasyong Masayang Buhay Magpakailanman.
Gaano katagal ang pag-aaral?
Lahat-lahat, 60 aralin ang pag-aaralan. Depende sa iyo kung gaano kabilis mo gustong tapusin ang mga araling ito, pero para sa iba, gusto nilang mag-aral ng isa o higit pang aralin linggo-linggo.
Paano ako magsisimula?
1. Sagutan ang online form. Gagamitin lang namin ang impormasyong ibibigay mo para maproseso ang request mo na kontakin ka ng isang Saksi ni Jehova.
2. Kokontakin ka ng magtuturo sa iyo. Ipapaliwanag niya sa iyo kung paano gagawin ang pag-aaral. At kung may gusto ka pang malaman, puwede kang magtanong sa kaniya.
3. Pag-uusapan ninyo kung paano ito gagawin. Puwede kayong mag-study nang personal, sa telepono, video call, sulat, o e-mail. Tumatagal nang mga isang oras ang pag-aaral, pero puwedeng mas maikli o mas mahaba depende sa iskedyul mo.
Puwede bang subukan ko lang muna?
Puwede. Una, sagutan ang online form. Pagkatapos, kapag kinontak ka na ng magtuturo sa iyo, sabihin sa kaniya na susubukan mo lang muna. Gagamitin niya ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman. May tatlong aralin lang ito para masubukan mo kung mag-e-enjoy ka sa pag-aaral.
Kung magpapa-Bible study ako, obligado ba akong maging Saksi ni Jehova?
Hindi. Gustong-gusto ng mga Saksi ni Jehova na turuan ang mga tao tungkol sa Bibliya, pero hindi namin sila pinipilit na maging Saksi. Itinuturo namin sa kanila kung ano ang sinasabi ng Bibliya, pero alam namin na karapatan ng mga tao na pumili kung ano ang papaniwalaan nila.—1 Pedro 3:15.
Puwede ko bang gamitin ang sarili kong Bibliya?
Oo, puwede mong gamitin ang anumang salin ng Bibliya. Ginagamit namin ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan dahil malinaw at tumpak ito, pero naiintindihan namin na gustong gamitin ng iba ang Bibliyang nakasanayan nila.
Puwede ba akong magsama ng iba sa Bible study?
Oo. Puwede mong isama ang buong pamilya mo o mga kaibigan mo.
Kung na-Bible study na ako ng mga Saksi ni Jehova dati, puwede ba akong mag-study ulit?
Oo. Baka nga mas ma-enjoy mo ang bagong paraan namin ng pag-aaral. Binago ito para maibagay sa pangangailangan ng mga tao ngayon. Mas marami na itong larawan at video kaysa sa dating paraan ng pag-aaral.
May opsiyon ba na makapag-Bible study ako nang walang magtuturo sa akin?
Oo. Kahit marami ang mas natututo kapag may nagtuturo sa kanila, may ilan pa rin na gustong mag-aral nang sila lang muna. Makikita sa aming webpage na Pantulong sa Pag-aaral ng Bibliya ang mga libreng reperensiya at pantulong na magagamit mo sa pag-aaral ng Bibliya. Ito ang ilan sa mga iyan:
Turo ng Bibliya. Makikita sa mga artikulong ito ang mga prinsipyo sa Bibliya na magagamit sa araw-araw na buhay. Ang ilan dito ay “Kung Paano Mahaharap ang Stress,” “Paano Ka Makakapag-adjust Kapag Nabawasan ang Iyong Kita?” at “Kung Paano Tuturuan ang Iyong Anak.”
Video. Ipinapaliwanag ng maiikling videong ito ang mahahalagang turo ng Bibliya.
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya. Sinasagot ng mga artikulong ito ang iba’t ibang tanong sa Bibliya.
Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya. Alamin ang ibig sabihin ng pamilyar na mga teksto at pananalita sa Bibliya.