Naniniwala ba kay Jesus ang mga Saksi ni Jehova?
Oo. Naniniwala kami sa sinabi ni Jesus: “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6) Naniniwala kami na bumaba siya sa lupa mula sa langit at ibinigay ang perpektong buhay niya bilang tao para tubusin tayo. (Mateo 20:28) Dahil sa kaniyang kamatayan at pagkabuhay-muli, ang mga nananampalataya sa kaniya ay nagkaroon ng pag-asang buhay na walang hanggan. (Juan 3:16) Naniniwala rin kaming namamahala na si Jesus sa langit bilang Hari ng Kaharian ng Diyos, na malapit nang magdala ng kapayapaan sa buong lupa. (Apocalipsis 11:15) Pero sinabi ni Jesus: “Ang Ama ay mas dakila kaysa sa akin.” (Juan 14:28) Kaya hindi namin sinasamba si Jesus yamang naniniwala kaming hindi siya ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.