Paano Inoorganisa ang mga Kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova?
Isang lupon ng mga elder ang nangangasiwa sa bawat kongregasyon. Mga 20 kongregasyon ang bumubuo sa isang sirkito. Ang mga kongregasyon ay regular na dinadalaw ng mga naglalakbay na elder, na tinatawag na tagapangasiwa ng sirkito.
Ang salig-Bibliyang patnubay at tagubilin ay inilalaan ng Lupong Tagapamahala, na binubuo ng matatagal nang Saksi na kasalukuyang naglilingkod sa pandaigdig na punong tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Warwick, New York, U.S.A.—Gawa 15:23-29; 1 Timoteo 3:1-7.