Itinatakwil Ba ng mga Saksi ni Jehova ang mga Dating Kabilang sa Kanilang Relihiyon?
Hindi itinatakwil ang mga bautisadong Saksi ni Jehova na hindi na nangangaral, at baka lumalayo pa nga sa kanilang mga kapananampalataya. Sa katunayan, sinisikap naming tulungan sila at maibalik ang kanilang espirituwalidad.
Hindi namin agad-agad itinitiwalag ang nagkasala nang malubha. Pero kung namimihasa ang isang bautisadong Saksi sa paglabag sa pamantayang moral ng Bibliya at hindi siya nagsisisi, itatakwil siya o ititiwalag. Malinaw na sinasabi ng Bibliya: “Alisin ninyo ang masama sa gitna ninyo.”—1 Corinto 5:13.
Paano kung itiniwalag ang isang lalaki pero Saksi ni Jehova pa rin ang kaniyang asawa’t anak? Mapuputol ang espirituwal na kaugnayan nila pero mananatili silang magkadugo. Hindi mawawala ang pag-ibig at pakikitungo nila sa isa’t isa bilang magkakapamilya.
Puwede pa ring dumalo sa aming mga pulong ang mga natiwalag. Kung gusto nila, puwede silang makatanggap ng espirituwal na payo mula sa mga elder sa kongregasyon para matulungan silang maging Saksi ni Jehova muli. Ang mga natiwalag na tumalikod na sa maling gawain at gusto talagang mamuhay ayon sa pamantayan ng Bibliya ay tatanggaping muli sa kongregasyon.