Kristiyano ba ang mga Saksi ni Jehova?
Oo. Mga Kristiyano kami dahil . . .
Sinisikap naming tularan si Jesu-Kristo at sunding mabuti ang kaniyang mga turo.—1 Pedro 2:21.
Naniniwala kaming si Jesus ang susi sa kaligtasan at na “walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na siya nating dapat ikaligtas.”—Gawa 4:12.
Kapag naging Saksi ni Jehova ang isang tao, siya ay nabautismuhan sa pangalan ni Jesus.—Mateo 28:18, 19.
Nananalangin kami sa pangalan ni Jesus.—Juan 15:16.
Naniniwala kaming si Jesus ang Ulo, ang isa na binigyan ng awtoridad sa lahat ng tao.—1 Corinto 11:3.
Pero marami kaming pagkakaiba sa ibang relihiyon na tinatawag ding Kristiyano. Halimbawa, naniniwala kaming si Jesus ay Anak ng Diyos, hindi bahagi ng isang Trinidad. (Mateo 16:16; Marcos 12:29) Hindi kami naniniwalang imortal ang kaluluwa at walang-hanggang pinahihirapan ng Diyos ang mga tao sa impiyerno, dahil hindi naman ito itinuturo ng Bibliya. Hindi rin kami naniniwalang dapat bigyan ng nakatataas na titulo ang mga nangunguna sa mga relihiyosong gawain.—Eclesiastes 9:5; Ezekiel 18:4; Mateo 23:8-10.