Nagpapagamot ba ang mga Saksi ni Jehova?
Oo, nagpapagamot ang mga Saksi ni Jehova. Kahit sinisikap naming manatiling malusog, kung minsan, “nangangailangan [din kami] ng manggagamot.” (Lucas 5:31) Sa katunayan, gaya ng unang-siglong Kristiyano na si Lucas, doktor ang ilan sa mga Saksi ni Jehova.—Colosas 4:14.
Pero may mga panggagamot na salungat sa sinasabi ng Bibliya, at tinatanggihan namin ang mga iyon. Halimbawa, hindi kami nagpapasalin ng dugo dahil ipinagbabawal ng Bibliya ang paggamit ng dugo para sustinihan ang pangangailangan ng katawan. (Gawa 15:20) Ipinagbabawal din ng Bibliya ang paraan ng panggagamot na gumagamit ng okultismo.—Galacia 5:19-21.
Gayunman, karamihan sa mga paraan ng panggagamot ay hindi naman salungat sa sinasabi ng Bibliya. Kaya nasa indibiduwal na ang pagpapasiya. Baka tanggapin ng isang Saksi ang isang partikular na gamot o panggagamot pero tanggihan naman ito ng ibang Saksi.—Galacia 6:5.