Mayroon Bang Sinusuwelduhang mga Lider ang mga Saksi ni Jehova?
Walang taong lider ang mga Saksi ni Jehova, gaya ng mga Kristiyano noong unang siglo. Ang lahat ng bautisadong Saksi ay nagsisilbing ministro at nakikibahagi sa pangangaral at pagtuturo ng Bibliya. Kabilang sila sa mga kongregasyon, na binubuo ng mga 100 Saksi. Sa bawat kongregasyon, ang mga lalaking may-gulang sa espirituwal ay naglilingkod bilang “matatandang lalaki,” o mga elder. (Tito 1:5) Naglilingkod sila nang walang suweldo.