Na-appreciate Nila ang mga Sulat Niya
Isang Saksi ni Jehova si Brooke, at nakatira ang sister na ito sa United States. Noong COVID-19 pandemic, nangaral siya gamit ang mga sulat. Linggo-linggo, maraming ginagawang sulat si Brooke. Pero pagkatapos ng isa’t kalahating taon, unti-unti siyang pinanghinaan ng loob. Iisa lang kasi ang sumagot sa sulat niya, at sinabing huwag na niya itong susulatan ulit. Naisip tuloy ni Brooke kung may natutulungan ba talaga ang mga sulat niya.
Pero minsan, isa ring Saksi, si Kim, na nagtatrabaho sa bangko, ang nagsabi kay Brooke na may nakausap siyang customer. Sinabi ng customer kay Kim na nakatanggap siya ng sulat mula sa isang Saksi ni Jehova. Kay Brooke pala galing ang sulat na iyon! Noong sumunod na linggo, bumalik sa bangko ang customer. Habang kausap niya si Kim, tinanong niya kung puwede siyang makadalo sa mga pulong natin, na ginagawa noon gamit ang videoconference.
Di-nagtagal, isa pang Saksi, si David, ang nagkuwento kay Brooke tungkol sa katrabaho niya na nakatanggap ng sulat ni Brooke. Hangang-hanga ang katrabaho ni David kasi sulat-kamay ang natanggap niya. Sinabi niya: “Sana mas marami pa ang magmalasakit nang gan’to sa iba.” Sinamantala ni David na magpatotoo sa katrabaho niya. Sinabi niya na dadalhan niya ito ng publikasyon, na masaya namang tinanggap nito.
Naiintindihan ng mga Saksi ni Jehova na hindi nila laging nalalaman kung tumubo kaya ang binhi ng katotohanan na ipinangaral nila. (Eclesiastes 11:5, 6) Dahil sa mga naging karanasan ni Brooke, na-appreciate niya ulit ang mga ginagawa niya sa pangangaral.—1 Corinto 3:6.