Jesus ba ang Pangalan ng Diyos?
Ang sagot ng Bibliya
Tinawag ni Jesus ang kaniyang sarili na “Anak ng Diyos.” (Juan 10:36; 11:4) Hindi kailanman ipinakilala ni Jesus ang sarili niya bilang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.
Bukod diyan, nanalangin si Jesus sa Diyos. (Mateo 26:39) At habang tinuturuan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod kung paano manalangin, sinabi niya: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.”—Mateo 6:9.
Ipinakilala ni Jesus ang pangalan ng Diyos nang sipiin niya ang isang bahagi ng Kasulatan: “Dinggin mo, O Israel, si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova.”—Marcos 12:29; Deuteronomio 6:4.