Bakit Dapat Manalangin sa Pangalan ni Jesus?
Ang sagot ng Bibliya
Dapat tayong manalangin sa Diyos sa pangalan ni Jesus dahil ito lang ang paraan ng paglapit sa Diyos na sinasang-ayunan Niya. Sinabi ni Jesus: “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6) Sinabi rin ni Jesus sa kaniyang tapat na mga apostol: “Katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyo, kung hihingi kayo sa Ama ng anumang bagay ay ibibigay niya ito sa inyo sa pangalan ko.”—Juan 16:23.
Bukod diyan, dapat tayong manalangin sa pangalan ni Jesus dahil . . .
Pinararangalan natin si Jesus at ang kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova.—Filipos 2:9-11.
Ipinakikita natin ang ating pagpapahalaga sa kamatayan ni Jesus, na siyang inilaan ng Diyos para iligtas tayo.—Mateo 20:28; Gawa 4:12.
Kinikilala natin ang pantanging papel ni Jesus bilang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao.—Hebreo 7:25.
Kinikilala natin si Jesus bilang ang Mataas na Saserdote na tumutulong sa ating magkaroon ng mabuting katayuan sa harap ng Diyos.—Hebreo 4:14-16.