Ilan ang Pangalan ng Diyos?
Ang sagot ng Bibliya
Isa lang ang personal na pangalan ng Diyos. Isinusulat ito na יהוה sa Hebreo at isinasaling “Jehova” sa ilang bersiyon ng Bibliya sa Tagalog. a Sa pamamagitan ng kaniyang propeta na si Isaias, sinabi ng Diyos: “Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko.” (Isaias 42:8) Ang pangalang ito ay lumilitaw nang mga 7,000 beses sa sinaunang mga manuskrito ng Bibliya—mas madalas kaysa sa iba pang termino para sa Diyos o sa alinmang personal na pangalan. b
May iba pa bang pangalan si Jehova?
Isang personal na pangalan lang ang ginagamit ng Bibliya para sa Diyos, pero gumagamit ito ng maraming titulo at paglalarawan para sa kaniya. Makikita sa sumusunod na listahan ang ilan sa mga titulo at paglalarawang iyon at kung paano ipinakikita ng bawat isa ang isang katangian ni Jehova o isang aspekto ng kaniyang personalidad.
Titulo |
Teksto |
Kahulugan |
---|---|---|
Ako Yaong Ako Nga |
Exodo 3:14, Ang Biblia |
Puwede siyang maging anuman ang kinakailangan para matupad ang layunin niya. Ang pananalitang ito ay isinalin din na “Ako ay Magiging anuman na kalugdan ko” o “Ako ay Magiging Gayon sa Anumang Ako ay Magiging Gayon.” (The Emphasised Bible, ni J. B. Rotherham; Bagong Sanlibutang Salin) Nakatutulong ang paglalarawang ito para maunawaan ang kahulugan ng pangalang Jehova na binanggit sa kasunod na talata.—Exodo 3:15. |
Allah |
(Wala) |
Ang salitang “Allah,” mula sa Arabe, ay hindi personal na pangalan kundi isang titulo na nangangahulugang “Diyos.” Sa mga salin ng Bibliya sa Arabe at sa iba pang mga wika, ginagamit ang “Allah” bilang panumbas sa “Diyos.” |
Ama |
Tagapagbigay-buhay. |
|
Ang Alpha at ang Omega |
“Ang una at ang huli,” o “ang pasimula at ang wakas,” na nangangahulugang walang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang umiral nang una kay Jehova at walang iiral na gayong Diyos kasunod niya. (Isaias 43:10) Ang alpha at omega ang una at huling mga titik sa alpabetong Griego. |
|
Bato |
Matibay na kanlungan at naglalaan ng kaligtasan. |
|
Dakilang Maylikha |
Nilalang niya ang lahat ng bagay.—Apocalipsis 4:11. |
|
Dakilang Tagapagturo |
Nagbibigay ng kapaki-pakinabang na turo at tagubilin.—Isaias 48:17, 18. |
|
Diyos |
Isa na dapat sambahin; Isa na makapangyarihan. Ang salitang Hebreo na ʼElo·himʹ ay anyong pangmaramihan, na nagpapahiwatig ng karingalan, dignidad, o kadakilaan ni Jehova. |
|
Diyos ng mga diyos |
Ang kataas-taasang Diyos, kung ikukumpara sa “walang-silbing mga diyos” na sinasamba ng ilan.—Isaias 2:8. |
|
Dumirinig ng panalangin |
Pinakikinggan niya mismo ang bawat panalangin sa kaniya na binibigkas nang may pananampalataya. |
|
Haring walang hanggan |
Ang kaniyang pamamahala ay walang pasimula o wakas. |
|
Kabanal-banalan |
Mas banal (malinis at dalisay sa moral) kaysa sa alinmang nilalang. |
|
Kadaki-dakilaan |
Pinakamataas na tagapamahala. |
|
Kataas-taasan |
May posisyong nakahihigit sa lahat. |
|
Magpapalayok |
May awtoridad sa mga indibiduwal at mga bansa, gaya ng isang magpapalayok na may awtoridad sa luwad.—Roma 9:20, 21. |
|
Makapangyarihan-sa-lahat |
May di-mahahadlangang kapangyarihan. Ang pananalitang Hebreo na ʼEl Shad·daiʹ, “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat,” ay pitong beses na lumilitaw sa Bibliya. |
|
Maligayang Diyos |
Nakadarama ng kagalakan at kaligayahan.—Awit 104:31. |
|
Manunubos |
Tinubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng haing pantubos ni Jesu-Kristo.—Juan 3:16. |
|
Mapanibughuin |
Hindi niya pinahihintulutang may kaagaw siya sa pagsamba ng kaniyang mga nilalang. Ang terminong ito ay isinasalin ding “hindi pumapayag na magkaroon ng kaagaw” at “kilala sa paghiling ng bukod-tanging debosyon.”—God’s Word Bible. |
|
Maylalang |
Nilalang niya ang lahat ng bagay. |
|
Panginoon |
May-ari o panginoon; Hebreong ʼA·dhohnʹ at ʼAdho·nim. |
|
Panginoon ng mga hukbo |
Kumandante ng malalaking hukbo ng mga anghel, o “Jehova ng mga hukbo.”—Roma 9:29. |
|
Pastol |
Nangangalaga sa kaniyang mga mananamba. |
|
Sinauna sa mga Araw |
Walang pasimula; umiiral na siya bago pa umiral ang sinuman o ang anumang bagay.—Awit 90:2. |
|
Soberanong Panginoon |
Siya ang kataas-taasang awtoridad; Hebreong ʼAdho·naiʹ. |
|
Tagapagligtas |
Nagliligtas sa panganib o kapahamakan. |
Pangalan ng lugar |
Teksto |
Kahulugan |
---|---|---|
Jehova-jireh |
“Si Jehova ay Maglalaan.” |
|
Jehova-nisi |
“Si Jehova ang Aking Posteng Pananda.” Si Jehova ay Diyos na maaaring takbuhan ng kaniyang bayan para sa proteksiyon at tulong.—Exodo 17:13-16. |
|
Jehova-shalom |
“Si Jehova ay Kapayapaan.” |
|
Jehova-shamah |
Ezekiel 48:35, talababa, American Standard Version |
“Si Jehova Mismo ay Naroroon.” |
Mga dahilan para alamin at gamitin ang pangalan ng Diyos
Tiyak na mahalaga sa Diyos ang kaniyang pangalang Jehova, dahil ipinasulat niya iyon sa Bibliya nang libo-libong beses.—Malakias 1:11.
Maraming beses na idiniin ng Anak ng Diyos, si Jesus, ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos. Halimbawa, nanalangin siya kay Jehova: “Pakabanalin nawa ang iyong pangalan.”—Mateo 6:9; Juan 17:6.
Ang unang dapat gawin ng mga tao para maging kaibigan ni Jehova ay alamin at gamitin ang kaniyang pangalan. (Awit 9:10; Malakias 3:16) Dahil sa kaugnayang iyon, nakikinabang sila sa pangako ng Diyos: “Dahil iniukol niya sa akin ang kaniyang pagmamahal, paglalaanan ko rin siya ng pagtakas. Ipagsasanggalang ko siya sapagkat nalaman niya ang aking pangalan.”—Awit 91:14.
Sinasabi ng Bibliya: “May mga tinatawag na ‘mga diyos,’ maging sa langit man o sa lupa, kung paanong maraming ‘mga diyos’ at maraming ‘mga panginoon.’” (1 Corinto 8:5, 6) Pero ipinakikilala nito ang iisang tunay na Diyos sa pangalang Jehova.—Awit 83:18.
a Mas gusto ng ilang iskolar sa Hebreo ang salin na “Yahweh” para sa pangalan ng Diyos.
b Ang pinaikling anyo ng pangalan ng Diyos, “Jah,” ay lumilitaw nang mga 50 beses sa Bibliya, kasama na ang paggamit nito sa salitang “Aleluya,” o “Aleluia,” na nangangahulugang “Purihin si Jah.”—Apocalipsis 19:1; Ang Biblia; Magandang Balita Biblia.