Mali Bang Gumamit ng Contraceptive ang mga Kristiyano?
Ang sagot ng Bibliya
Hindi inutusan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na magkaroon ng anak. Hindi rin nagbigay ng gayong utos ang kaniyang mga alagad. Wala ring tuwirang sinasabi ang Bibliya na masama ang birth control. Kaya kapit dito ang simulain sa Roma 14:12: “Ang bawat isa sa atin ay magsusulit sa Diyos para sa kaniyang sarili.”
Kung gayon, ang mga mag-asawa ay malayang makapagpapasiya kung mag-aanak sila o hindi. Sila rin ang magdedesisyon kung ilan ang gusto nilang maging anak at kung kailan sila mag-aanak. Kung ipasiya ng mag-asawa na gumamit ng nonabortive na uri ng contraceptive, iyan ay personal nilang desisyon at pananagutan. Hindi sila dapat hatulan ng sinuman.—Roma 14:4, 10-13.