Pumunta sa nilalaman

Takot sa Kamatayan—Paano Mo Ito Mapagtatagumpayan?

Takot sa Kamatayan—Paano Mo Ito Mapagtatagumpayan?

Ang sagot ng Bibliya

 Normal lang na matakot tayo sa kamatayan bilang kaaway at gumawa ng makatuwirang hakbang para ingatan ang ating buhay. (1 Corinto 15:26) Pero dahil sa di-makatuwirang takot sa kamatayan bunga ng mga kasinungalingan o pamahiin, ang mga tao ay ‘napapasailalim sa pagkaalipin sa buong buhay nila.’ (Hebreo 2:15) Ang pagkaalam ng katotohanan ay magpapalaya sa iyo mula sa matinding takot sa kamatayan—takot na maaaring mag-alis ng iyong kaligayahan sa buhay.—Juan 8:32.

Ang katotohanan tungkol sa kamatayan

  •   Ang mga patay ay walang anumang nalalaman. (Awit 146:4) Hindi mo kailangang matakot na pahihirapan ka pagkamatay mo, dahil inihahalintulad ng Bibliya ang kamatayan sa pagtulog.—Awit 13:3; Juan 11:11-14.

  •   Hindi tayo kayang saktan ng mga patay. Kahit ang mararahas nating kaaway ay “inutil sa kamatayan.” (Kawikaan 21:16) Sinasabi ng Bibliya na “ang kanilang poot at ang kanilang paninibugho ay naglaho na.”—Eclesiastes 9:6.

  •   Ang kamatayan ay hindi ang wakas ng ating pag-iral. Sa pamamagitan ng pagbuhay-muli, ibabalik ng Diyos ang buhay ng mga taong namatay.—Juan 5:28, 29; Gawa 24:15.

  •   Ipinangangako ng Diyos na “hindi na magkakaroon ng kamatayan.” (Apocalipsis 21:4) Tungkol sa panahong iyon, sinasabi ng Bibliya: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman,” na lubusang malaya sa takot sa kamatayan.—Awit 37:29.