Pantulong sa Pag-aaral ng Bibliya
Ang library na ito ng mga libreng pantulong sa pag-aaral ng Bibliya at mga reperensiya ay makakatulong para mapalalim pa ang pag-aaral mo ng Bibliya at mas maintindihan mo ang Salita ng Diyos. Gamitin ang aming libreng Bibliya online, na may mga pantulong para sa mas malalim na pag-aaral. Palawakin pa ang pag-aaral mo gamit ang mga video tungkol sa Bibliya, encyclopedia ng Bibliya, atlas ng Bibliya, glosari ng mga termino sa Bibliya, at iba pang pantulong.
Basahin ang Bibliya Online
Ang libreng edisyon sa pag-aaral ng Bagong Sanlibutang Salin ay may mga larawan, talababa, cross-reference, at iba pang tool sa pag-aaral.
Mga Video Para sa Pag-aaral ng Bibliya
Introduksiyon sa mga Aklat ng Bibliya
Impormasyon tungkol sa bawat aklat ng Bibliya.
Mahahalagang Turo ng Bibliya
Sinasagot ng maiikling videong ito ang mahahalagang tanong tungkol sa Bibliya, gaya ng: Bakit ginawa ng Diyos ang lupa? Ano ang kalagayan ng mga patay? at Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa?
Mga Pantulong at Reperensiya sa Pag-aaral ng Bibliya
Encyclopedia ng Bibliya
Naglalaman ng libo-libong paksa ang Kaunawaan sa Kasulatan. Nagpapaliwanag ito ng tungkol sa mga tao, lugar, halaman, hayop, mahahalagang pangyayari, at matalinghagang pananalita sa Bibliya. Kasama sa mada-download na version nito ang mga mapa at larawan, pati na ang isang index ng mga paksa at teksto.
Sumaryo ng Bibliya
Ang brosyur na Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito? ay nagbibigay ng sumaryo ng buong Bibliya at idinidiin nito ang kabuoang tema nito.
Atlas ng Bibliya
Ang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’ ay isang atlas na may mga mapa at chart ng iba’t ibang lugar sa Bibliya, lalo na ang Lupang Pangako sa iba’t ibang panahon.
Teksto sa Araw na Ito
Ang Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw ay nagbibigay ng teksto sa Bibliya para sa bawat araw, pati na ng komento tungkol sa tekstong iyon.
Mga Bible-Reading Plan
Naghahanap ka man ng Bible-reading plan para sa bawat araw, para sa isang taon, o para sa mga baguhan, makakatulong sa iyo ang iskedyul na ito.
Kung Paano Maghahanap ng Teksto sa Iyong Bibliya
Nakalista rito ang 66 na aklat ng Bibliya ayon sa pagkakasunod-sunod na ginamit ng maraming salin ng Bibliya. Kasunod ng pangalan ng aklat ang kabanata at talata.
Glosari sa Bibliya
Binibigyang-kahulugan ng diksyunaryong ito ang ilang termino sa Bibliya at iba pa. Makikita rito ang ilang salitang-ugat sa Hebreo at Griego.
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Alamin ang sagot ng Bibliya sa mga tanong tungkol sa Diyos, kay Jesus, sa pamilya, pagdurusa at iba pa.
Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
Alamin kung ano talaga ang ibig sabihin ng pamilyar na mga teksto at pananalita sa Bibliya.
Online Library (may bubukas na bagong window)
Mag-research online ng mga paksa sa Bibliya gamit ang mga publikasyon ng Mga Saksi ni Jehova.
Pag-aralan ang Bibliya Kasama ang Isang Tagapagturo
Ano ang Pag-aaral sa Bibliya na Iniaalok ng mga Saksi ni Jehova?
Sa pag-aaral ng Bibliya na iniaalok ng mga Saksi ni Jehova, puwede kang gumamit ng kahit anong salin ng Bibliya. Puwede mong isama ang buong pamilya mo o mga kaibigan mo.
Mag-request ng Pupunta sa Iyo
Pag-usapan ang isang tanong sa Bibliya, o kilalanin pa ang mga Saksi ni Jehova.