Introduksiyon sa mga Aklat ng Bibliya
Mapapanood sa maiikling videong ito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga aklat ng Bibliya. Gamitin ang mga videong ito para palalimin pa ang pagbabasa mo at pag-aaral ng Bibliya.
Introduksiyon sa Genesis
Sinasabi sa atin ng Genesis ang mahalagang impormasyon tungkol sa pinagmulan ng tao at kung bakit nagdurusa at namamatay ang tao.
Introduksiyon sa Exodo
Iniligtas ng Diyos ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto at ginawa silang isang bansa na nakaalay sa kaniya.
Introduksiyon sa Levitico
Alamin kung paano ipinapaliwanag ng Levitico ang kabanalan ng Diyos at kung bakit napakahalagang maging banal din tayo.
Introduksiyon sa Mga Bilang
Alamin kung bakit mahalagang sundin si Jehova at igalang ang mga inatasan niyang manguna sa kaniyang bayan.
Introduksiyon sa Deuteronomio
Alamin kung paano makikita sa Kautusang ibinigay ni Jehova sa Israel ang pag-ibig niya sa kanila.
Introduksiyon sa Josue
Alamin kung paano sinakop at hinati-hati ng mga Israelita ang lupaing ibinigay ng Diyos.
Introduksiyon sa Mga Hukom
Ang maaksiyong aklat na ito ay tungkol sa matatapang na lalaking may matibay na pananampalataya at ginamit ng Diyos para iligtas ang Israel sa mga umaapi sa kanila.
Introduksiyon sa Ruth
Mababasa sa aklat ng Ruth ang kuwento ng mapagsakripisyong pag-ibig ng biyudang manugang sa kaniyang biyudang biyenan at kung paano sila pinagpala ni Jehova.
Introduksiyon sa 1 Samuel
Alamin ang pagbabago sa kasaysayan ng Israel, noong mga hari na ang namamahala at hindi na mga Hukom.
Introduksiyon sa 2 Samuel
Dahil sa kapakumbabaan at pananampalataya ni David, nakilala siya at minahal ng mga tao. Basahin ang ulat tungkol sa kaniya.
Introduksiyon sa 1 Hari
Sundan ang kuwento ng bansang Israel mula noong umunlad at maging dakila ito sa pamamahala ni Haring Solomon, hanggang sa magulong panahon nang mahati ito sa dalawang kaharian.
Introduksiyon sa 2 Hari
Tingnan kung paano nalugmok sa apostasya ang hilagang kaharian ng Israel at kung paano pinagpala ni Jehova ang mga tapat na lingkod niya.
Introduksiyon sa 1 Cronica
Tingnan ang pinagmulan at buhay ni Haring David mula nang maging hari siya ng Israel hanggang sa kamatayan niya.
Introduksiyon sa 2 Cronica
Tingnan ang kahalagahan ng katapatan sa Diyos sa naging kasaysayan ng mga hari ng Juda.
Introduksiyon sa Ezra
Tinupad ni Jehova ang kaniyang pangako na palayain ang kaniyang bayan mula sa pagkatapon sa Babilonya at ibalik ang tunay na pagsamba sa Jerusalem.
Introduksiyon sa Nehemias
Ang aklat ng Bibliya na Nehemias ay may mahahalagang aral para sa lahat ng tunay na mananamba sa ngayon.
Introduksiyon sa Esther
Ang makapigil-hiningang pangyayari noong panahon ni Esther ay magpapatibay ng iyong pananampalataya sa kakayahan ng Diyos na Jehova na iligtas ang bayan niya sa pagsubok ngayon.
Introduksiyon sa Job
Lahat ng umiibig kay Jehova ay daranas ng pagsubok. Ipinakikita ng ulat tungkol kay Job na makapananatili tayong tapat at na maitataguyod natin ang soberanya ni Jehova.
Introduksiyon sa Mga Awit
Sinusuportahan ng aklat ng Mga Awit ang soberanya ni Jehova, tinutulungan at inaaliw ang mga umiibig sa kaniya, at ipinakikita kung paano babaguhin ng kaniyang Kaharian ang daigdig.
Introduksiyon sa Mga Kawikaan
Alamin ang patnubay ng Diyos sa halos lahat ng aspekto ng buhay—mula sa paghahanap-buhay hanggang sa buhay-pampamilya.
Introduksiyon sa Eclesiastes
Itinatampok ni Haring Solomon ang mga bagay na talagang mahalaga sa buhay at ang pagkakaiba nito sa mga bagay na salungat sa makadiyos na karunungan.
Introduksiyon sa Awit ni Solomon
Bakit inilarawan ang wagas na pag-ibig ng babaeng Shulamita sa isang pastol bilang “ang liyab ni Jah”?
Introduksiyon sa Isaias
Ang Isaias ay isang aklat na naglalaman ng mapananaligang mga hula na magpapatibay ng ating pagtitiwala kay Jehova bilang ang Tagatupad ng mga pangako at Diyos ng ating kaligtasan.
Introduksiyon sa Jeremias
Matapat na ginampanan ni Jeremias ang kaniyang atas bilang propeta sa kabila ng mahihirap na kalagayan. Pag-isipan kung ano ang maitutulong ng kaniyang halimbawa sa mga Kristiyano ngayon.
Introduksiyon sa Mga Panaghoy
Ang aklat ng Mga Panaghoy ay isinulat ni propeta Jeremias. Mababasa rito ang pighati sa pagkawasak ng Jerusalem at kung paanong ang pagsisisi ay umaakay sa awa ng Diyos.
Introduksiyon sa Ezekiel
May kapakumbabaan at lakas-loob na ginampanan ni Ezekiel ang anumang atas sa kaniya ng Diyos, gaano man ito kahirap. Napakahalaga sa atin ng kaniyang halimbawa.
Introduksiyon sa Daniel
Si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay nanatiling tapat kay Jehova sa lahat ng pagkakataon. Makikinabang tayo sa halimbawa nila, pati na sa katuparan ng mga hula ngayong panahon ng kawakasan.
Introduksiyon sa Oseas
Ang hula ni Oseas ay may mahalagang aral para sa atin ngayon tungkol sa awa ni Jehova sa nagsising mga nagkasala at sa uri ng pagsambang hinihiling niya.
Introduksiyon sa Joel
Inihula ni Joel ang tungkol sa paparating na “araw ni Jehova” at ipinakita ang dapat gawin para maligtas. Napakahalaga ng hula niya lalo na ngayon.
Introduksiyon sa Amos
Ginamit ni Jehova ang mapagpakumbabang lalaking ito sa isang mahalagang gawain. Anong aral ang matututuhan natin sa halimbawa ni Amos?
Introduksiyon sa Obadias
Ito ang pinakamaikling aklat sa Hebreong Kasulatan. Ang hulang ito ay nagbibigay ng pag-asa at nangangakong ipagbabangong-puri ang soberanya ni Jehova.
Introduksiyon sa Jonas
Tinanggap ng propeta ang pagtutuwid, ginampanan niya ang atas niya, at natutuhan niya ang mahalagang aral tungkol sa matapat na pag-ibig at awa ng Diyos. Nakaaantig ng puso ang karanasan niya.
Introduksiyon sa Mikas
Mapatitibay ng kinasihang hulang ito ang pagtitiwala natin na makatuwiran at sa ating ikabubuti ang hinihiling ni Jehova.
Introduksiyon sa Nahum
Ang hulang ito ay nagbibigay sa atin ng katiyakan na laging tinutupad ni Jehova ang kaniyang pangako at naglalaan siya ng kaaliwan sa lahat ng naghahanap ng kapayapaan at kaligtasan sa ilalim ng kaniyang Kaharian.
Introduksiyon sa Habakuk
Makapagtitiwala tayo na laging alam ni Jehova kung kailan ang tamang panahon at kung ano ang pinakamagandang paraan para iligtas ang kaniyang bayan.
Introduksiyon sa Zefanias
Bakit dapat nating iwasang isipin na hindi darating ang araw ng paghatol ni Jehova?
Introduksiyon sa Hagai
Itinatampok ng hula ang kahalagahan ng pag-una sa pagsamba sa Diyos kaysa sa sariling kapakanan.
Introduksiyon sa Zacarias
Dahil sa maraming pangitain at hula na mula sa Diyos, napatibay noon ang kaniyang bayan. Sa ngayon, patuloy na tinitiyak sa atin ng mga hulang ito na sinusuportahan tayo ni Jehova.
Introduksiyon sa Malakias
Isa itong hula tungkol sa di-nagbabagong mga pamantayan ni Jehova, pati na sa kaniyang awa at pag-ibig. Naglalaan din ito ng mahahalagang aral sa atin sa ngayon.
Introduksiyon sa Mateo
Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aklat na ito ng Bibliya, ang una sa apat na Ebanghelyo.
Introduksiyon sa Marcos
Ang aklat ng Marcos ang pinakamaikli sa apat na Ebanghelyo, at naglalaan ito ng isang sulyap sa pamamahala ni Jesus sa Kaharian ng Diyos sa hinaharap.
Introduksiyon sa Lucas
Anong impormasyon ang makikita lang sa Ebanghelyo ni Lucas?
Introduksiyon sa Juan
Itinatampok ng ulat ni Juan ang pag-ibig ni Jesus sa sangkatauhan, ang kapakumbabaan niya, at ang papel niya bilang Mesiyas—ang Hari ng Kaharian ng Diyos.
Introduksiyon sa Mga Gawa ng mga Apostol
Nagsikap ang unang mga Kristiyano na gumawa ng alagad mula sa mga tao ng lahat ng mga bansa. Makakatulong ang aklat ng Mga Gawa para madagdagan ang iyong sigla at sigasig sa ministeryo.
Introduksiyon sa Roma
Tumatalakay sa di-pagtatangi ni Jehova at sa kahalagahan ng pananampalataya kay Jesu-Kristo.
Introduksiyon sa 1 Corinto
Kasama sa liham ni Pablo ang kinasihang payo tungkol sa pagkakaisa, kalinisan sa moral, pag-ibig, at pananampalataya sa pagkabuhay-muli.
Introduksiyon sa 2 Corinto
Pinapatibay at pinaglalaanan ni Jehova, “ang Diyos na nagbibigay ng kaaliwan sa anumang sitwasyon,” ang mga lingkod niya.
Introduksiyon sa Galacia
Ang liham ni Pablo sa mga taga-Galacia ay angkop pa rin sa ngayon gaya noong isulat ito. Makakatulong ito sa lahat ng tunay na Kristiyano na makapanatiling tapat.
Introduksiyon sa Efeso
Itinatampok ng liham na ito ang layunin ng Diyos na magdulot ng kapayapaan at pagkakaisa sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.
Introduksiyon sa Filipos
Napapatibay ang iba kapag matatag tayo sa kabila ng pagsubok.
Introduksiyon sa Colosas
Mapapalugdan natin si Jehova kung gagawin natin ang mga natututuhan natin, patatawarin ang iba, at kung kikilalanin natin ang posisyon at awtoridad ni Jesus.
Introduksiyon sa 1 Tesalonica
Kailangan nating manatiling gising sa espirituwal, ‘tiyakin ang lahat ng bagay,’ ‘laging manalangin,’ at patibayin ang isa’t isa.
Introduksiyon sa 2 Tesalonica
Itinuwid ni Pablo ang maling paniniwala tungkol sa pagdating ng araw ni Jehova, at pinasigla niya ang mga kapatid na patibayin ang kanilang pananampalataya.
Introduksiyon sa 1 Timoteo
Isinulat ni Pablo ang 1 Timoteo para sabihin sa kongregasyon ang mga kaayusan ng organisasyon at para magbabala tungkol sa maling mga turo at pag-ibig sa pera.
Introduksiyon sa 2 Timoteo
Pinasigla ni Pablo si Timoteo na isagawa nang lubusan ang kaniyang ministeryo.
Introduksiyon sa Tito
Ang liham ni Pablo kay Tito ay tungkol sa problema ng mga kongregasyon sa Creta at sa mga kuwalipikasyon para sa magiging matatandang lalaki.
Introduksiyon sa Filemon
Ang maikli pero mapuwersang liham na ito ay naglalaman ng aral tungkol sa kapakumbabaan, kabaitan, at pagiging mapagpatawad.
Introduksiyon sa Hebreo
Ang pagsamba ng mga Kristiyano ay nakasalig sa mga dakilang bagay na nakakahigit kaysa sa pisikal na templo at mga haing hayop.
Introduksiyon sa Santiago
Gumamit si Santiago ng malinaw na mga ilustrasyon para ituro sa mga Kristiyano ang mahahalagang prinsipyo.
Introduksiyon sa 1 Pedro
Pinapatibay tayo ng unang liham ni Pedro na ihagis ang lahat ng ating kabalisahan sa Diyos at maging masigasig.
Introduksiyon sa 2 Pedro
Pinapatibay tayo ng ikalawang liham ni Pedro na maging tapat habang hinihintay ang bagong langit at bagong lupa.
Introduksiyon sa 1 Juan
Binababalaan tayo ng liham ni Juan laban sa mga antikristo at tinutulungan tayong makita kung ano ang dapat ibigin at hindi dapat ibigin.
Introduksiyon sa 2 Juan
Ipinapaalala sa atin ng 2 Juan na dapat tayong manatili sa paglakad sa katotohanan at mag-ingat laban sa mga manlilinlang.
Introduksiyon sa 3 Juan
Itinuturo ng ikatlong liham ni Juan ang magandang aral tungkol sa Kristiyanong pagkamapagpatuloy.
Introduksiyon sa Judas
Ipinaliwanag ni Judas ang mga paraan ng mga nagsisikap na dayain ang mga Kristiyano.
Introduksiyon sa Apocalipsis
Tingnan ang paglalarawan ng aklat ng Apocalipsis kung paano tutuparin ng Kaharian ng Diyos ang layunin niya sa mga tao at sa lupa.
Introduksiyon sa Bibliya
Tingnan kung paano nagkakaisa ang bawat aklat ng Bibliya para idiin ang tema nito—ang pagbabangong-puri sa pangalan ni Jehova gamit ang Kaharian sa pamamahala ni Jesus.
Magugustuhan Mo Rin
BIBLIYA
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Ang libreng edisyon sa pag-aaral ng Bagong Sanlibutang Salin ay may mga larawan, talababa, cross-reference, at iba pang tool sa pag-aaral.