Atlas ng Bibliya
Ang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’ ay isang detalyadong atlas ng Bibliya na magagamit mo para mapalalim ang pag-aaral mo ng Bibliya. Maraming binabanggit sa Bibliya na mga lugar, lunsod, at lupain. Makakatulong ang atlas na ito para ma-imagine mo ang binabasa mo at pinag-aaralan sa Bibliya. Magiging malinaw sa isip mo ang mga lugar kung saan nangyari ang mga eksena sa Bibliya. Matutulungan ka rin nito na maintindihan kung paano nakaapekto ang lokasyon sa mga pangyayari sa Bibliya.
Ang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’ ay may mga colored na mapa at chart ng iba’t ibang lugar sa Bibliya. May mga diagram din ito, computer rendering, at marami pang ibang feature para mapalawak ang pag-aaral mo.
Gamit ang atlas na ito,
maiintindihan mo ang paglalakbay nina Abraham, Isaac, at Jacob
makikita mo ang dinaan ng mga Israelita nang umalis sila sa Ehipto papuntang Lupang Pangako
maikukumpara mo ang lokasyon ng Israel sa lokasyon ng mga kalabang bansa
makikita mo ang mga lugar na pinuntahan ni Jesus sa kaniyang ministeryo
magkakaideya ka kung gaano kalawak ang mga imperyong binabanggit sa Bibliya, kasama na ang Babilonya, Gresya, at Roma
Maa-access mo online ang libreng atlas na ito ng Bibliya sa Watchtower ONLINE LIBRARY.