Pumunta sa nilalaman

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Shock-Absorbent na Balat ng Suha

Ang Shock-Absorbent na Balat ng Suha

 Ang suha ay isang matamis at malaking citrus na prutas na nakukuha sa isang puno. Kahit mahulog ito nang mahigit 10 metro, hindi man lang ito nalalamog! Paano ito nangyayari?

 Pag-isipan ito: Natuklasan ng mga mananaliksik na ang puting bahagi sa loob ng suha ay binubuo ng mga cell na may espasyo na parang espongha. Mas malaki ang espasyo sa pagitan ng mga cell kapag malayo ito sa balat ng suha. Punô ito ng hangin at likido. Kapag nahulog ang suha sa lupa, ang likido nito ang sasalo sa impact. At ang balat nito ay titigas kaya hindi ito masisira.

 Ginaya ng mga siyentipiko ang disenyo ng balat ng suha para makagawa ng shock-resistant foam na gawa sa metal. Naniniwala sila na magagamit nila ang shock-absorbent na disenyong ito para sa mga helmet, sasakyan, at space station o satellite na posibleng tamaan ng meteoroid.

 Ano sa palagay mo? Ang shock-absorbent na balat ba ng suha ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?