Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
‘Paano ako makikipag-usap sa mga magulang ko?’ ‘Paano ako magkakaroon ng mga kaibigan?’ ‘Ano ang masama sa casual sex?’ ‘Bakit ang lungkot-lungkot ko?’
Kung naitatanong mo rin ang mga iyan, hindi ka nag-iisa. Baka marami ka nang hiningan ng payo pero magkakasalungat ang sagot na nakuha mo. Matutulungan ka ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1. Ang mga payo rito ay batay sa praktikal na mga simulain ng Bibliya. Sa tulong ng Salita ng Diyos, milyon-milyon na ang nagtagumpay sa mga hamon sa buhay. Bakit hindi mo tingnan kung paano ka matutulungan nito?
Makikita sa aklat na ito ang mga seksiyong:
Mga Isyung Pampamilya
Kung Sino Ka
Sa Loob at sa Labas ng Eskuwela
Sex, Moralidad, at Pag-ibig
Masasamang Bisyo
Ang Libre Mong Oras
Ang Iyong Pagsamba
Apendise Para sa mga Magulang
Puwede mong i-download ang aklat na ito sa PDF format, o kaya’y sumulat sa aming tanggapan para humiling ng nakaimprentang kopya ng aklat.
Note: Ang PDF format ng aklat na ito ay may mga bahagi na puwedeng i-edit. Depende sa iyong gadyet o software nito, makakapaglagay ka ng note o sagot sa na-download mong kopya ng aklat na ito.